Joke:^_ ___^

sana holdaper ka na lang… para “ibibigay ko sayo lahat, wag mo lang akong sasaktan..” ooopppss.. lol..^_ ____^

-russ❤

d ka ba nalulunkot?? nagiisa ka lng kc sa puso ko.. 

Usapan ng dalawang mayabang…
Tomas: Ang galing ng aso ko! Tuwing umaga, dala niya ang dyaryo sa akin.
Diego: Alam ko.
Tomas: Ha? Paano mo nalaman?
Diego: Ikinukuwento sa akin ng aso ko.

--

Josh: Kumusta ang assignment?
Ricardo: Masama. Wala akong nasagutan. Blank paper ang ipinasa ko.
Josh: Naku, ako rin! Paano 'yan? Baka isipin nila, nagkopyahan tayo?!

--

Dok: May taning na ang buhay mo.
Juan: Wala na bang pag-asa? Ano po ba ang dapat kong gawin?
Dok: Mag-asawa ka na lang ng pangit at bungangera.
Juan: Bakit, gagaling po ba ako ru'n?
Dok: Hindi, pero mas gugustuhin mo pang mamatay kesa mabuhay!

--

Gustong malaman ng magkaibigan kung may basketbolan sa langit.
Nagkasundo sila na kung sino ang unang mamatay ay babalik upang sabihin
kung may basketbol sa langit.
Naunang namatay si Dado.
Isang gabi, may narinig na boses si Rodel na parang kay Dado.
'Ikaw ba 'yan, Dado?' usisa ni Rodel.
'Oo naman!' tugon ni Dado.
'Parang hindi totoo!' bulalas ni Rodel. 'O, ano, meron bang basketbol sa
langit?'
Sagot ni Dado, 'May maganda at masama akong balita sa 'yo. Ang maganda, may
basketbol doon. Ang masama… kasali ka sa makakalaban namin bukas!'

--

Advantage at disadvantage ng may-asawa…
ADVANTAGE: 'Pag kailangan mo, nandiyan agad.
DISADVANTAGE: 'Pag ayaw mo na, andiyan pa rin!

--
Do you know INNER ROW?
What is INNER ROW?
Inner Row is that which comes before Pibrerow, Marsow, Abril, Mayow…

--

Sa isang classroom…
Titser: Class, what is ETHICS?
Pilo: Etiks are smaller than ducks.
Titser: Okey, that duck will lay an egg in your card.

--

Juan: Pare, noong mayaman pa kami, nagkakamay kaming kumain. Ngayong
mahirap na kami, nakakutsara na.
Pedro: Baligtad yata?
Juan: Mahirap kamayin ang lugaw, pare!

--

Anak: Itay, nagpapatanong si ma'am kung ano raw ang propesyon mo.
Itay: Sabihin mo, cardiologist.
Anak: Ano po ba ang cardiologist, Itay?
Itay: 'Yung tagaayos ng radio sa car!

--

Rodrigo: Bakit bad trip ka?
Harry: Nagtampo sa 'kin ang utol ko.
Rodrigo: Bakit naman?
Harry: Nakalimutan ko kasi ang birthday niya.
Rodrigo: 'Yun lang? Anong masama ru'n?
Harry: Ang masama ru'n… twins kami! Twins!


MISTER: wala akong tulog dahil naiisip ko P500K na utang ko kay pare.
MISIS: madali yan! Tawagan mo si pare, sabihin mong hindi ka makakabayad sa utang mo para siya naman ang hindi makatulog!

JUDGE: isa ka palang pusher, kidnapper, gun for hire, gambling lord, swindler at bugaw! Wala ka bang matinong hanapbuhay?
ACCUSED: meron po. Pulis po ako.

Babae: Doc, kumusta na ang asawa ko?
Doc: Sorry ma'am. Mula ngayon, ikaw na ang magpapakain at magpapaligo sa kanya, kasi, putol na ang kanyang mga kamay at paa.
Babae: Hah?! Hindi nga?!?
Doc: Hehehe! Ninerbyos ka ano? Joke lang! Patay na sya!

Mrs: Naniniwala ka ba na ang babae habang tumatanda ay gumaganda?
Mr: Oo naman.
Mrs: Sa tingin mo, gumaganda ba ako?
Mr: Sa tingin ko, hindi ka tumatanda.

Son: Itay, pinagalitan ako ng titser ko!
Dad: Bakit?
Son: Hinalikan ko po ang seatmate ko.
Dad: Tong anak ko, manang mana. Hehehe. Eh, masarap ba?
Son: Opo, pogi po sya eh.

Lasing: Hoy! Sinong matapang?! Labas!
Lalake: Ako! Bakit? Lalaban ka?!
Lasing: Pare, ihatid mo naman ako sa bahay, natatakot ako kay misis eh.

Tatay: Asensado na talaga ang anak natin sa US . Ito, nagpadala ng picture, nakasandal sa kotse. Basahin mo nga ang nakasulat sa likod.
Nanay: Inay, nagpapasalamat ako, kasi, kung hindi dahil sa kotse na ito, natumba na ako sa sobrang gutom.

Sintomas ng PINOY LOVE:

As if walang pakialam pero deep inside, worried na.. miss na miss na..Pag nag-text, "So what?" daw, pero later, magre-reply rin naman. Pa-erase-erase pa ng # kunwari pero, hello, memoryado naman 'yung #. Kapag hindi tine-text ng bf/gf niya, kunwari, na-wrong send para magpapansin. Ayaw mag-text pero nagtatanong sa barkada ng bf/gf niya kung kumusta na. Haaayy,LOVE nga naman sa Pilipinas.-russ❤

Paano mo malalaman kung LOVE mo ang isang tao? Kapag hindi nag-text nang isang araw, nami-miss mo o nagwo-worry ka. Kapag may iba siyang katext, nagseselos ka. Habang katext mo, biglang nagpaalam na matutulog na.. maiinis ka. Tuwing aalis siya, inaalam mo kung saan siya pupunta. Curious ka sa family niya. Kapag dumampi ang balat/kamay niya sa 'yo, iba ang feeling mo. Pagtunog ng cellphone mo, pangalan niya ang ine-expect mong lumitaw. Bago ka matulog, siya ang iniisip mo. Paggising mo, siya pa rin ang una mong maiisip. Iniisip mo siya habang binabasa mo ito right now...

Symptoms of a CERTIFIED SINGLE:
· Mahilig kumain.
· Panalo ang social life. Alam lahat ng gimikan at mall sale.
· Hayok sa tulog.
· Gadget-addict.
· Sa cellphone, group message nang group message ng quotes.
· Ngumingiti kahit nag-iisa.
· Tumataba.
· Porma to the max.
· Mukhang happy kahit hindi naman talaga.

Symptoms of a CERTIFIED TAKEN:
· Walang pera.
· Mukhang ngarag at laspag.
· Kuripot.
· Blooming, kasi, kailangan para hindi iwan.
· Walang social life kundi dyowa niya.
· Boring kausap.

T: Ano ang pinakamasakit na maramdaman kung matanda na tayo?
S: 'Yung paggising mo, tapos, pagtingin mo sa tagiliran, matanda rin ang iyong katabi.

BERTO: Ano ang mas mahalaga, pera o asawa?
ROMY: Syempre, pera! Kasi, ang pera, habang tumatagal, lumalaki ang interes.. Ang asawa, habang tumatagal, nawawalan ka ng interes, tapos, inuubos pa ang pera mo HILARIOUS!!!

Makabagong kasabihan: Kagandahan edition
1 ) Para sa magaganda: "aanhin mo ang ganda, kung wala ka naming papa."
2 ) Para sa gustong magpaganda/retokada: "kung gusto mong lumandi, tiisin mo ang hapdi"
3 ) Para sa mga feeling magaganda: "talbog ang matigas na tinapay sa tigas ng mukha ng nagmamagandang inday"
4 ) Para sa mga walang ganda: "mabait man daw at magaling, ang chaka-chaka pa rin"

Words to live by ng mga bading (hehehe)
"Walang kaibi-kaibigan pag agawan na ng dyowa ang usapan"
"Sa hinaba-haba man ng prusisyon, bading din pala ang magiging karelasyon."
"Walang matinong lalake sa malanding kumpare"
"Aanhin mo ang guwapo, kung mas malandi pa sa iyo?"
"Ang hindi marunong magmahal sa sariling dyowa, sa mga bath houses naglipana."
"Matalino man daw ang bading, napeperahan pa rin."

Guwapo nagtext: Luv, pa load nman P100.
Bakla: Ok! (Nagmamadaling naghanap ng loading station).
Bakla: Narecieve mo na luv?
Guwapo: Hu u?

In the middle of a baptismal rite, a bishop officiating said: "Ang lambot naman ng ulo ng bata.." The pretty mother replied: "Father...dede ko po yan!"

Ama: Bading ka ba?
Anak: Opo, dadi
Ama: (Dinuldol sa harina c jr). Ano?! Bading ka pa ba?!
Anak: Hindi na po.
Ama: Eh anon a?
Anak: Geisha na po! (Ang taray!)